RJ
Tumblr
Themes

Sa pangatlong pagkakataon. 

July 2, 2011. Saturday. Second year, 1st sem nun. Nagkekwentuhan at nagtatawanan kami sa canteen. Actually, sila lang dahil masama ang pakiramdam ko ng panahong yun. Sa lakas ng tawanan, may isang professor ang sumita sa amin. At yun nga, lumapit yung prof. samin at nagtatalak na, na bakit daw kami tumatawa ng ganun sa canteen. Tinanong niya kung anong course and year namin. Sinabi naman nila na HR at 2nd year kami. Sabi ng prof: “Hindi niyo ba ko nakikilala? I’m GL and also known as face the wall.” Siya nga kasi yung sinasabi ng ibang estudyante na masungit at nagpapa-face the wall. Sabi niya siya daw ang magiging prof namin sa Accounting pagdating ng 2nd sem namin. Kinuha niya ang ID namin nun at dinala sa Admin Office. Ngunit palaban ang mga kaibigan ko kaya nagpunta kami sa Central Student Council at isinumbong namin yung prof. Napag-alaman namin na marami na nga daw napag-initang estudyante yun. Since mabagal ang proseso, hindi na natapos yung kaso namin sa kanya. Ilang days ang nakalipas at nabalik naman yung mga ID namin at hindi na masyado nagtatatawa kapag Saturday. May mga pagkakataon na nakakatabi namin sila ng classroom, at pag naririnig niyang maingay yung room namin, hinahanap niya “yung dose”. Kami yun. Di siya agad nakakalimot.

Dumating ang 2nd sem, may Basic Accounting Part 2 kami. Kabado dahil baka siya ang maging prof. namin at sabihing: “Asan yung dose?” Pero sa pinalad kami, hindi siya ang naging prof. namin at nakahinga kami ng maluwag.

Dumating ang 3rd year 1st sem, may subject kaming Income Taxation. Bumalik ang kaba naming dose dahil baka yun na yung maging prof. namin pero sa isa pang pagkakataon ay pinalad kami at hindi siya ang naging prof. namin.

Ngayong 3rd year 2nd sem, may subject kaming Business Management Accounting. Usap-usapan na yun na daw yung magiging prof. namin pero sa huling pagkakataon, pinalad kami na may bagong prof. at siya ang naging professor namin ngayon.

Sa Fourth Year, wala na kaming accounting subject kaya’t hindi na kami nangangamba. =))

That Illegal Laughing. Lol.

Posted 5 months ago
7 notes   ~Reblog

Same as yesterday. 

Kahapon nga, 9am nagpasahan lang ng softbound ng thesis tapos hindi natuloy ang 4:30pm class. Edi umuwi na lang ako. Ngayon naman, 7:30am-1:30pm, walang prof. Pumasok ako, 2pm na. Nagpasa lang ng Manual at nakipagdramahan sa prof. namin. Naghintay na ma-evaluate na hindi naman natuloy. Uwi na lang. Walang wentang dalawang araw sa school. Sayang pamasahe.

Posted 7 months ago
1 notes   ~Reblog

9am sa school ang usapan. Okay, I woke up late. 9:45 na ako dumating sa school. Hindi din naman pala dadating yung prof. namin. Tapos yung 4:30pm class namin, na-cancel. Sayang naman pagsuot ko ng uniform. Ang init-init ng panahon e. Di pa ako nakapagbreakfast kanina sa pagmamadali ko pumasok. Ka-imberna lang.

Posted 7 months ago
3 notes   ~Reblog

Umiyak ako kanina. 

September 26, 2012. Last week pa dapat kami magseseminar, nagkaroon ng problema kaya hindi natuloy. Kaya ngayon na lang yung seminar namin, scheduled ng 10am-1pm. Yung audience namin may klase ng ganung time, nagbigay kami ng excuse letter pero hindi pinirmahan ng Head of Academic Program namin kaya ayun, pinapull-out niya yung audience namin at pinagklase. Akala ko hindi na naman matutuloy yung seminar namin kaya umiyak ako. Napakaiyakin ko talaga. Buti na lang after ng 10am-1pm class nila, pumayag na makapagseminar kami kaya thankful at natuloy na. :)

Posted 7 months ago
8 notes   ~Reblog

Kanina, first time sa buong buhay ko ang mapalabas ng classroom. Hehe. Galing kasi kami sa overnight tapos 7:30am yung class namin, antok na antok ako. Si Geddy yung katabi ko tapos ginugulo niya ko para di ako makatulog. Kinausap ko tuloy siya then ayun nahuli kami. Pinalabas kami. Mga 5 minutes kami sa labas tapos pinapasok na din kami ng prof. namin.

  • 09.29.12
Posted 7 months ago
3 notes   ~Reblog

Hello! Kauuwi ko lang. Grabe, kakayanin sana namin ang lahat nang ‘to. RUSH na talaga lahat ng gagawin. Hayyyy..

Pero naalala ko pa di yung kanina..

MA’AM: May quiz ba tayo?

US: Wala poooooooo.

MA’AM: Yung totoo?

US: Wala poooooooo.

MA’AM: Liars go to hell.

US: Wala poooooooo.

MA’AM: Ayaw niyo lang mag-quiz e.

US: HAHAHAHAHAHA. =))

Classmate1: Ma’am, birthday po ni Angel!

MA’AM: Asan si Angel? Kantahan niyo.

US: Happyyyyy, happyyyy, happyyyyy biiiiiirthdaaaaaaay. (Malungkot na pagkaka-kanta)

MA’AM: Get 1/2 lengthwise! Ganyan yung kanta niyo e.

US: Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! ♫

Classmate2: Ma’am, birthday wish daw ni Angel ay walang quiz.

Ma’am: Sige! Wala nang quiz. Kanta pa kayo ng isang beses ng Happy birthday, yung version niyo.

Ayun, walang quiz. LOL. Laughtrip talaga sa happy birthday na version na yun. Ma-cover nga minsan. Hahaha.

Okay, tama na ang kalokohan namin. Dami ko pa gagawin :(

Posted 7 months ago
13 notes   ~Reblog

September 21, 2012 

  • Late ako sa 7:30am class ko dahil nagpuyat ako matapos lang yung assignment ko tapos malalaman mong wala na daw kaming klase hanggang 1:30pm. Ayun, edi ang haba pa ng oras, nganga lang?
  • Nung mga 10am na, pumunta na lang kami ng SM. Gusto daw nila mag-unwind. LOL. Stressed na kami masyado. Anyway, first time ko kumanta sa Videoke sa labas loob ng Club Synergy. Di ba merong videoke rooms? Pero dun kami kumanta sa Videoke na open sa lahat. First time ko yun. Wala lang, tinry ko lang naman kasi wala masyado tao dahil kabubukas lang ng mall. Walang makakarinig ng chipmunks kong boses. Haha.
  • Then mga 1pm bumalik na kami ng school dahil may 2pm class pa kami. Nag-graded recitation lang naman and fortunately, ang dali ng question na napunta sakin.

Posted 7 months ago
3 notes   ~Reblog

September 19, 2012 

Na-vibes na namin yun eh. Kaninang 4pm nandito pa ko at nagta-Tumblr. Super tinatamad talaga kami pumasok nun sa 6pm class namin. 4:45pm siguro nung dumating kami ni Jobelle sa school. Tinapos namin yung assignment namin tapos dumeretso sa canteen, mga 6pm na nun.

Nasa loob na kami ng classroom, 6:30pm.

MARJORIE: Hindi na yan papasok si Sir.

AKO: Oo nga. 6:30pm na, eh di naman nalelate yun.

Halos lahat kami tinatamad pumasok ngayong araw. Ganyan naman si Sir, hindi nagsasabi. Hanggang nag-7:30pm na, umalis na kami sa room. Asa pa kaming dadating siya -____- Nag-SM na lang kami, namili ng kung anong-ano tapos nag-dinner na din sa KFC.

Nakakainis lang kapag Uniform Day tapos di papasok yung prof. Sayang pagsusuot ng uniform, maglalaba pa uli :3

Posted 8 months ago
   ~Reblog

August 4, 2012 

  • Morning class. I’ve finished my assignment. We had our quiz and discussion.
  • After the class, nagpunta kami ni Steff sa Org Room to prepare for today’s seminar.
  • At 12pm, we arranged the chairs in the Gym and everything, with the help of our classmates. We waited for the attendees and the guests audience from other schools.
  • The seminar was successful. I must be proud of it ‘cause we’re the organizers. Yeah.
  • After the seminar, naglinis kami ng Gym at kumain. Haha.
  • After that, we, OC had an open forum, inayos namin lahat ng problems between each other. Ayun, okay na naman kami :)

I’m tired, really tired.

Posted 9 months ago
2 notes   ~Reblog

August 3, 2012 

What’s with this day?

  • Late akong pumasok and it doesn’t matter kung nagki-quiz na sila pagdating ko. LOL. Yabang ko! Nagreview kasi ako. Haha. JK. Ngayon lang naman. Pero pagdating ko, wala pa yung prof. namin.
  • After the quiz, discussion then dismissed.
  • Nagpasahan kami ni Jobelle ng mga kwento. Paramihan kasi kami ng laman ng stories sa Ebook. We love reading. :)
  • I started reading She’s dating with the Gangster ang yes, it’s addictive. JK.
  • We had our early lunch then we don’t have a class on the next subject. Lumabas na lang kami ng school ni Kim at Joseph. Nag-large fries at Sundae kami sa Jollibee then bumalik na kami sa school. Haha.
  • Nag-ayos ng kit for tomorrow’s seminar.
  • Next subject, pointers lang para sa midterm.
  • So ayun, bukod diyan, nagbasa lang ako ng She’s dating with the Gangster sa Ebook ko and until now, binabasa ko pa siya. Haha. Pero may assignment pa ako, kaya ayun, susulatin ko muna.
  • Pagdating ko, I greeted my Ninang ‘cause it’s her birthday then I ate and ate and ate. HAHAHA. XD

Napadaan lang ako. Hihi. TA na lang. Hindi ako makapagbackread. Mabagal pa din ang net :3

Posted 9 months ago
3 notes   ~Reblog

July 28, 2012 

  • 7:30am class pero pumasok yung prof. namin before 9. Ayos di ba? Buti nga hindi kami umalis sa classroom eh.
  • Lunch muna.
  • Soundtrip sa Org. Room. Inayos ang issue with HR4.
  • Iniwan ko na sila sa school. Umuwi na ko.

Sila Joseph, Kim at Alfred, nag-MOA. Andaya talaga. Mag-d-DQ sila :3

Posted 9 months ago
   ~Reblog

July 27, 2012 

  • 7:30am class. Sociology first subject. Walang quiz. First time ko maka-experience ng Wriiten Recitation :3 Masaya ang discussion, dami ko natutunan.
  • Canteen, lunch time.
  • Humanities. Yung kulay-kulay na ginawa namin. Yung ipapatong mo sa isang bagay o place yung bond paper mo tapos kukulayan mo. Hahaha. Na-enjoy ko yun.
  • Canteen, kain uli. Hahaha. Suki talaga kami sa canteen.
  • Compensation Administration, nag-groupings lang tapos nag-excuse kami ng iba kong classmates dahil may meeting kami. Pagbalik namin sa room, dismissed na.
  • Pumunta kami ng bahay ng classmate namin na namatayan ng tatay. Nag-abuloy tapos ayun, maya-maya din umuwi na kami, dumadami na kasi yung tao.

Pero yung buong araw hindi kami nagpansinan tapos nung papunta na sa bahay ng classmate namin, sabay kaming naglakad habang katext ko yung Mama niya, magkatabi kami sa upuan, share sa headset, namili pa ng theme song namin LOL, nagkekwentuhan. Crush, why you did this to me? Balik ulit sa dati? :O

Posted 9 months ago
5 notes   ~Reblog