RJ
Tumblr
Themes

Hindi talaga ako mahilig manuod ng mga movies. Kapag nakipag-usap ka sakin ng about movies, lagi kong sagot: “Hindi ko alam yon.”, “Hindi ko pa napapanuod yun.”, ”Maganda ba yun?”. ”Sige, panunuorin ko.” Wala talaga akong hilig sa movies, ganun din naman si Ate kaya walang nag-uudyok sakin, walang naghahawa. Yung OC, isa sa dahilan kung bakit madami na akong napapanuod, mapa-Pilipino, Japanese, Korean, at kung sino pa man ang bida niyan, basta nag-aya ng movie marathon ang OC, gora ako kahit di ko hilig. Pero lumipas ang panahon at nagustuhan ko din. Lalo na nung medyo nanunuod na din si Ate. At least may kabonding ako di ba? Ngayong Summer 2013 nga, kasama sa Summer List ko ang mag-movie marathon at ayun, natupad naman. Hahaha. Ilang movies na din napanuod ko mula nung nagbakasyon. Wala kase yung iba kong libro, nasa hiraman. Hehe. Minsan lang naman mag-net. Minsan daw. Hihi. So yun, manonood na lang ako ng movies. Any suggestions? :)

Posted 11 hours ago
6 notes   ~Reblog

Gisingin mo na lang ako pagtapos mong basahin. 

Antukin ako, sobra. Hobby ko ang matulog, siguro. Hahaha.

Naalala ko nung elementary pa ako nun. Nag-summer camp kami ng YCS nun, Ilang araw kami sa Makiling. Syempre, more on activities yun. Pero kapag free time, yung iba siguro naggagala, ako natutulog. Madalas e tinatambulan na lang nila ako kapag may activity na. Haha. Grabe lang. Puro tulog ginawa ko, gigising lang ako kapag narinig ko na yung tambol.

Sa school, siguro kung hindi mainit ang panahon at kung hindi mainit sa school, e matutulog talaga ako. Kapag nga wala pa kaming klase, tapos hahanap kami ng tatambayan, gusto ko dun sa pwede kaming mahiga. Hahaha. Pero naalala ko, one time. Night class yun, 6-9pm. E matagal pumasok yung prof. namin kaya yumuko muna ko sa desk tapos pagdilat ko, andun na yung prof. namin. Nagulat ako, buti na lang sa likod ako nakaupo. Hindi ko alam kung napansin niyang bagong gising ako pero napansin kong tumingin siya sa akin.

Sa bahay, pag walang ginagawa, tulog. Lalo na kapag walang internet, walang load, edi tulog. Kahit minsan bantay ako ng tindahan, natutulog ako. Madalas nagigising naman ako kapag nagugutom na ko. Babangon ako, kakaen, maghuhugas ng plato, tapos tulog ulet. Pagkagising, kakain, hugas ng plato, tulog ulit. Pagkagising, kain tapos ligo tapos paupo-upo hanggang maghapunan na. Kakain, gagawa ng kung ano-ano, tapos matutulog. Gigising. Paulet-ulet. Daily routine na yon. Hahaha.

Minsan naman, nag-overnight kami para sa project. E mga festivals ang project namin nun, so may paluto-luto pa. After namin, mai-prepare nun yung ibang lulutuin, ang alam ko nanuod sila ng movie. Ako kasi natulog. Hahaha. Kapag aalis naman at malayo ang biyahe, gusto ko aircon ang bus para matutulog ako. Basta may chance, natutulog ako. Hahaha.

Posted 1 day ago
12 notes   ~Reblog

Spaced out. 

Ako yung tipo ng tao na maraming napopost kapag masaya ako pero mas marami kapag nalulungkot ako. Ewan ko ba. Pag malungkot ako, nagsasabay sabay sa utak ko yung mga gusto kong sabihin pero hindi ko masabi. Pag itatype ko naman, e medyo nakakalimutan ko. Hayyy. Anu ba namang buhay to. Dahil siguro sadyang hindi ako malungkutin o mabad vibes na tao kaya kapag dumadating yung mga times na nalulungkot ako, dun lumalabas lahat ng gusto kong sabihin, lahat ng naiisip ko, lahat ng nararamdaman ko. Kapag dumadating yung time na ‘ganun’ ako, tumatahimik lang ako, nakatingin sa kung saan, nag-iisip kahit wala namang napo-produce yung utak ko, magbubuntong-hininga ng paulet-ulet, cold din ako kausap. Basta mga ganun. Siguro yung mga nakakakilala na sa ugali ko, alam na yun. Ramdam nila kapag malungkot ako, pagod, stressed o kaya wala sa mood. Pero mabilis naman gumaan ang pakiramdam ko. Motivation from family and friends, pagkaen tsaka yung orasyon ko, e okay na ko. Madali naman maging masaya at maging okay basta ginugusto e.

Posted 1 day ago
10 notes   ~Reblog

Hindi sa lahat ng pagkakataon pagbibigyan ka. Maraming araw, maraming oras pero bakit kasi ngayon mo lang naisip na gawin yung mga bagay na sana dati mo pa ginawa. Sana hindi ka nagkukumahog. Sana hindi ka natataranta. Tulad na lang ngayon, pwede ko naman i-check ang blogs nila noon pero bakit ngayon ko lang naisip? Ngayon ko lang tuloy nakita na ang dami pang magagaling na bloggers. Ngayon ko lang nabasa yung mga likha nila. Ngayon pa, kung kailan nagmamabagal yung broadband naming de-paypay. Ngayon pa, kung kailan limitado lang ang oras ko sa harap ng computer. Dapat talaga hindi pinalalampas ang pagkakataon.

Posted 1 week ago
15 notes   ~Reblog

This blog. 

Dati hindi naman talaga big deal sakin ang pag-o-online. Okay lang kahit di ako makapagbukas ng computer. Okay lang kahit walang internet. Okay lang until Tumblr came. Photo reblogger lang ako noon pero kasi I was amazed sa mga photographs nun kaya gustong-gusto ko nag-oopen ng Tumblr. Naging busy ako kaya naiwan ko ‘to. Then one time I was so irritated sa dami ng kalat ko, sa dami ng papel ko, sa dami ng mga sinusulat ko. Halo-halo na. Kaya naisip ko yung Tumblr ko, nilinis ko. Hindi ko naman inalis lahat ng nireblog ko noon. Nagdelete ako at pinrivate yung iba. That’s the time I’ve decided to use Tumblr as my personal blog. I changed my URL to Nemielle since I don’t have any idea what to use. Pablog blog lang at natuto din akong magfollow ng iba pang personal blog. Hindi ko nga alam kung saan ko nahanap blog ng iba e. Nagkaroon ako ng ilang kaibigan. Natuwa ako sobra. I never expect kasi na magkakaroon ako ng friends dito. I’m glad na nakilala ko yung mga taong yun dito. They make me feel na there’s something beyond being just online/tumblr friends but real friends as well. Kung dati, natitiis ko pang walang internet, ngayon hindi na. I always find way para makapag-net kahit na nakakainis dahil lagi akong pinapatayan ng wifi sa kapitbahay. Joke. De, minsan kahit walang internet, naiisip ko pa din yung Tumblr at yung mga tao dito.

Etong blog na ‘to. Gusto ko ng palitan yung URL na parang ayaw. Ganda ng pangalan e, ganda ko kasi. Charot. Haha. Yung blog ko na ‘to, 3 years na pala at kahit 1 year palang active e madami nang memories. Yung blog ko na ‘to, di ko ‘to idedeactivate kahit anong mangyari, pinangako ko yun. Yung blog ko na ‘to, mahal ko ’to at mas lalong minahal ko nung nakilala ko yung mga tao dito. Tumblr really means so much to me. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag naiwan ko ’to. Medyo OA pero mahalaga na kasi ‘to sakin.

Posted 1 week ago
20 notes   ~Reblog

Nakakaewan. 

Sabi ko nga, hindi ako yung taong palamura. Ang kaya ko lang sabihin ay tanga, letse, shets, baliw, buang, adik. Mga ganun. Nasasabi ko din naman ang g*ga at g*go minsan. Sa Tumblr friends, si Pau (onthewayna) lang ata nasasabihan ko ng gaga at minsan si Mima (mimayself). Si Jilson (medyotorpe) lang nasasabihan ko ng gago kasi ganyan talaga siya. Joke. Haha. Well, pag nasasabi ko yung mga gg na yan, may awkward feeling pa din. Ewan ko. Di ako sanay swear. Minsan kapag sobrang naiinis ako o nagagalit, napapamura ko ng t*ng*n*, pero sa utak lang. Hindi ko kaya sabihin e. Buti ngayon, mas nakakasanayan ko na yung salitang ‘nakakaewan’. Yun na lang nasasabi ko kapag naiinis ako.

Well, may iba siguro natutuwa pa na murahin sila. Sakin, okay lang naman yung nagmumurang kaibigan e. Wag lang naman yung ginawa niya nang tuldok sa bawat pangungusap niya yung pagmumura. Yung tipong: “Ay nalaglag yung panyo ko, t*ng*n*!” O kaya “G*go! Asan na ba yun?” O “Ibalik mo yun, p*kyu ka!” Yung mga ganun, yung parang di na mawawala sa bibig nila yung mga mura.

Sinasabi ng iba na “Hindi porket nagmumura e masamang tao na.” Oo nga, hindi nga nasusukat ng pagmumura kung mabuti o masama ang isang tao pero hindi din naman maganda na ginagamit natin ito sa pang-araw-araw na pananalita. Hindi kasi maganda pakinggan. Hindi naman ako against sa mga madalas magmura. I’m just giving my opinion. Iwasan magmura lalo na kung di pa naman kayo close.

Posted 1 week ago
13 notes   ~Reblog
Those eyes. Those eyes with eye bags. Because of those sleepless nights- sleepless nights with Tumblr, with Skype, with our thesis. Maybe because of insomnia, stories, or it’s just me, thinking of you. Well, I earned it. Those eyes who always cry. Crying because of too much joy. Crying because of madness, hate, or dissatisfaction. Crying because of problems, stressed, and confused. Crying because her eyes is weak from sunlight. Crying because she’s really a crybaby. Those eyes, sleepless, swollen eyes. Those eyes who always look after the positive things because she really wants to see the real happiness.
Those lips. Those that frowns whenever she doesn’t feel good. Those lips who that has those wacky poses in front of the camera.Those lips that has the random reactions every time. Those lips who frown sometimes but still, never forget to form a smile.

Those eyes. Those eyes with eye bags. Because of those sleepless nights- sleepless nights with Tumblr, with Skype, with our thesis. Maybe because of insomnia, stories, or it’s just me, thinking of you. Well, I earned it. Those eyes who always cry. Crying because of too much joy. Crying because of madness, hate, or dissatisfaction. Crying because of problems, stressed, and confused. Crying because her eyes is weak from sunlight. Crying because she’s really a crybaby. Those eyes, sleepless, swollen eyes. Those eyes who always look after the positive things because she really wants to see the real happiness.

Those lips. Those that frowns whenever she doesn’t feel good. Those lips who that has those wacky poses in front of the camera.Those lips that has the random reactions every time. Those lips who frown sometimes but still, never forget to form a smile.

Posted 1 week ago
19 notes   ~Reblog

Psh. Hindi majoke. 

Just so you know, ako kasi yung taong mahilig magjoke kahit waley at corny, mapang-asar, mapangbara. Basta ganun, something na may topak at baliw. Haha. Pero lumulugar pa din ako. Syempre iwas kapag wala sa mood yung tao, o kaya badtrip, busy, mga ganun.

Naalala ko dati nun yung ‘manliligaw’ siguro ni Ate yun. Ako ata may gamit ng FB ni Ate habang nagta-Tumblr ako. Maya-maya, may nagchat sa kanya. Sabi ko: “Ate nagchat si G.”

G: Ate mo?

AKO: Nasa puso mo :)

G: Ok. *tapos nag-log out.

Grabe. Haha. Tinanong ko tuloy kay Ate kung bakit. E ganun daw talaga yun. Nung nagka-chat sila ni Ate, ayon medyo BV siya. Wow ha? Bawal ijoke? Tapos ngayon may ‘nanliligaw’ kay Ate. Tanong ko kagad: “Pwede ba yang ijoke?” Haha. E kasi naman pinapa-add saken ni Ate sa FB. Ayoko nga. Tapos hahanapin nila si Ate saken. Luh.

Ayun, kaya medyo iwas ako sa mga taong seryoso masyado. Yun tipong bawal ijoke baka ikamatay niya o kaya maiikli yung pasensiya. Iwas lang naman. Hahaha.

Posted 1 week ago
7 notes   ~Reblog

Akala ko lang pala. 

Noon ginusto ko talaga na mag-isa. Mag-isa sa bahay ha, hindi sa buhay. Well, gusto ko yun noon at hindi ko na gugustuhin ngayon.

Ilang weeks din simula nung umuwi sa probinsiya si Mama at yung kapatid ko. Tapos si Ate at Papa, araw-araw nasa work. Ako? Ako iwan sa bahay, bantay na din ng tindahan. Kala ko nung una, ayos lang. Sabi ko nga dati, ginusto ko na mag-isa sa bahay. E malamang pag mag-isa ka, magagawa mo yung mga gusto mong gawin. Walang sisita sayo, walang sasaway sayo, walang magagalit sayo. Saya buhay di ba?

Oo, gusto ko yung part na malaya akong gawin yung mga gusto kong gawin. Gusto ko mag-isa kasi ang tahimik ng paligid. Gusto ko mag-isa kasi walang manggugulo sakin. Pero hindi ko pala kaya. Namimiss ko na yung kamay na kumikiliti sa paa ko tuwing umaga, yung laging nag-aaya sakin kumain ng ganito ganyan, yung kasama kong manuod ng Be Careful With My Heart, yung pinagmanahan ko ng pangbabara. Namimiss ko na yung mabigat na paa na dumadagan sakin, yung laging nang-aasar ng: “Uyyyy, Cyrus.”, yung lagi kong kaaway, yung lagi kong sinasabihan ng mataba, yung lagi kong sinisigawan, yung laging nagpapaiyak sakin dahil sa inis. Namimiss ko na kaharutan yung dalawa kahit na lagi akong lugi sa kanila, yung lagi na lang kami nag-uunahan mag-open ng computer. Namimiss ko na yung barahan ni Mama at ni Papa tuwing umaga, yung mapang-asar kong tatay at pikunin na nanay. Namimiss ko na pala yung makukulit kong kasama dito sa bahay.

Akala ko kapag nawala na yung mga ayaw ko, e mas magiging okay ko, na kapag nakuha ko na yung gusto ko, e mas magiging masaya na ko. Pero hindi pala, dahil mas hinanap ko pa yung mga bagay na magulo at hindi perpekto pero napapasaya pa din ako.

Posted 2 weeks ago
7 notes   ~Reblog

magigingokayrinlahat started following you 

Eto yung bumungad sakin pagbukas ko e. Nakakatuwa dahil sa paraang ito e may reminder na naman ako. Ano man ang mga problemang naiisip ko ngayon, alam ko magigingokayrinlahat. Kung ano man yung dinadamdam ko ngayon, alam ko magigingokayrinlahat. Hindi man maganda ang nangyayari ngayon sa paligid ko, alam ko magigingokayrinlahat. Kung negative man ang lahat ngayon, wag mag-alala dahil makakakita at makakakita pa din tayo ng positivity. Tandaan mo, magigingokayrinlahat.

Posted 2 weeks ago
7 notes   ~Reblog

Shabu pa! 

Nakaka-one week na kong ganito. Yung gising ako mula 7am until hanggang hapon tapos mula hapon matutulog ako hanggang gabi. Pagkagising ko ng gabi, magsa-skype hanggang 3 or 4am, kanina nga 5am pa. Ginusto ko naman magskype tapos tatamarin ako pag kailangan ko ng gumising dahil 7am na. Malamang, napuyat e.

Mula kasi nung Apr. 19, si Papa at Ate lang kasama ko. Si Papa, nagigising kasi yun sa madaling-araw kaya naaabutan niya pa ako sa harap ng computer. Sasabihan lang ako niyan ng: “Oy anong oras na. Puyat ka na naman.” Pagkasabi niya nun, babalik na uli yun sa pagtulog. Ganun lang si Papa basta hindi siya badtrip.

Ilang araw na lang din siguro at matitigil na ‘to kasi uuwi na sila Mama mula sa probinsiya. Hindi na ko makakapagpuyat ng ganung oras dahil sigurado ako, hindi ko lang magiging almusal ang sermon ni Mama baka pati maging lunch, meryenda at hapunan pa. Syempre, di na aabot ng midnight snack, maaga matulog si Mama e. Hahaha. K. Corny.

Pero siguro okay na din yun, para bago magpasukan e hindi tinatamad ‘tong katawan ko. Sabi nga ni Mama, mag-internet na daw ako maghapon, para sa gabi e matutulog na. Wala e, pasaway din ako dahil wala si Mama. For sure, pag-uwi nun, sesermunan na ako dahil pag tumatawag si Papa, lagi akong isinusumbong.

Isang linggo na kong bangag. Daig ko pa ata ang naka-drugs dahil wala akong matinong tulog. Ilang araw na lang at matitigil na ‘to. Huuu.

Posted 3 weeks ago
9 notes   ~Reblog

Nakakawalang gana. 

Isang linggo na ko laging late kumain. Nakakatamad kasi. Sa bahay, sa school, kahit saan, lagi akong may kasabay kumain. Mas nakakaenjoy kaya yun di ba? Yung may kasabay ka. Wala kasi si Mama. Syempre, lagi naman wala si Ate at si Papa dahil sa work tapos yung kapatid ko laging nasa galaan. Kami lang lagi ni Mama sa bahay at tuwing kakain siya, inaalok niya lagi ako, hindi naman ako tumatanggi. Pero ngayon, araw-araw mula 7am ng umaga, tinatamad na ko. Oo, pati sa pagkain, kinatamaran ko tuloy. Namiss ko din tuloy ang OC. Syempre, 3years sa school na lagi ko silang kasama kumain, e tambayan nga ata namin ang canteen e. Pag kumakain ako ngayon, parang sapilitan, mema-ilaman lang sa tiyan. Tsk. Nakakawalang gana lang talaga.

Posted 3 weeks ago
7 notes   ~Reblog