RJ
Tumblr
Themes

Dear Mama,

Effort ‘to. Hirap humanap ng picture mo. Huhuhu. Pa-picture din pag may time ha? :P

Lagi ko na lang sinasabi sayo ‘tong mga bagay na ‘to pero hindi ako magsasawa. Ikaw nga hindi nagsasawa samin e, ako pa kaya?

Ma, you don’t know how thankful I am na ikaw yung nanay ko. Ma, we’re not rich but for me, we are. Nakaka-kain nga tayo ng higit sa tatlo sa isang araw e. Ang takaw mo kasi. Hahaha! Idinadamay mo pa ko. Tapos mainitan ka lang, papautos ka na agad kay Papa na bumili ng ice cream. Magsawa ka lang sa ulam, gusto mo na agad mag-Mang Inasal. Lagi ang dami-dami mong plano. Mapera ha? Hahaha! Alam mo Ma, nakakatawa ka minsan, lagi kasi kayo nag-aasaran ni Papa tapos pikon ka naman. Nakakatuwa naman kasi sinasakyan mo ako sa kalokohan ko pati yung dun sa pito (whistle) ni Papa. Sabi natin kung hindi niya mahanap yung nawawala niyang pito, e di yung walo na lang. Hahaha. Ang corny. Tapos minsan nagugulat ako sayo tuwing dumadating ang 7, lagi mo naaalalang monthsary namin yun ng OC. Tinatanong mo ko ng: “Ye, di ba OC Day ngayon?” Hanep ka Ma. Kaloka. Nung May 7, naalala mong OC Day pero ako, hindi. Salamat sa reminder Ma. Hihi. Salamat po kasi simula 3rd year college e madalas mo na ko payagan sa mga alis-alis at gala-gala, hehehe. Tsaka mula naman nun, hindi ako nagsinungaling. Sinasabi ko sayo kung saan talaga ako pupunta. You gave me the trust sa mga gagawin ko at freedom sa paggala so I should be honest kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko. Symbiosis lang, give and take relationship. Salamat po kasi hindi ka nawala sa tabi namin all the way. Jingle bells, jingle bells, jingle all the way. Hahaha. Ma, sorry ang pasaway ko pa din hanggang ngayon. Sorry na *with puppy eyes* Haha. Ma, nakakainis minsan kapag dinadaldalan mo ko sa mga hindi ko nagawa pero kapag may ginagawa naman ako, wala kang sinasabi. De, okay lang yun. Ganda ko pa din. Hahaha. Pag sinasabi kong maganda ko, laging sinasabi ni Papa: “Syempre maganda yung nanay. Kung anong puno, siya ding bunga.” Astig talaga ni Papa! Ma, salamat sa bonding. Lol. Sabay kasi tayong nanunuod ng Be Careful With My Heart, nag-aasaran pa tayo. Ma, buti umuwi ka ng probinsiya kahit 2weeks lang. At least, I can say I love you even through the phone. Pag nandito kasi tayo sa bahay, hindi ko maaraw-araw ang pagsabi sayo. Well, action speaks louder than words naman. Hahaha. Charot! Ayun, di ko na uungkatin pati yung pagdadala mo  sakin ng 9months sa tiyan mo kasi lagi na yung nakalagay sa mga sulat ko sayo dati. I’m thankful and I will always be thankful about it. Lahat ng sacrifices mo samin, hindi ko man mabanggit lahat, pinagpapasalamat ko po yun. Ang daldal ko talaga Ma, sanay ka na naman di ba? Hahaha. Alam ko malaki ang chance na mabasa mo ‘to, binasa niyo na nga ni Ate yung iba kong blog dito e di ba? I’m free to blog, alam niyo na e!

Basta Ma, thank you po sa lahat. Mahal po kita, alam mo naman yun e! Haha. Tsaka ga-graduate po ako sa 2014. Promise! Ma, I love you and I always will. Happy Mother’s Day nga po pala! Hihi. Enjoy your day. God bless you always!

Anak mong maganda,

Yeye

Posted 2 weeks ago
13 notes   ~Reblog
  • AKO: (Nagcheck sa phone) Wala na pala akong load. 12.50 na lang.
  • MAMA: Meron ka pa ding load. 12.50 pa nga di ba?
  • AKO: Sabi ko nga.
  • AKO: (Kumuha ng pagkain)
  • MAMA: Panay kain ah?
  • AKO: Hindi ah. Pangalawa pa lang 'to.
  • MAMA: Kumain ka pa din. Pangalawa na nga di ba?
  •  Okay. Ang galing mangbara ng nanay ko.
Posted 3 months ago
12 notes   ~Reblog

Commercial ng A Moment In Time. 

  • AKO: Ma, nood tayo ng A Moment In Time ha?
  • MAMA: Bakit? Ililibre mo ba ko?
  • AKO: Hala.
  • MAMA: Manood tayo kapag ililibre mo na ko. Wala ka pa ngang pera.
Posted 3 months ago
8 notes   ~Reblog

May kaibigan ako na medyo nagloloko sa studies at nakwento ko kay Mama. Wala naman siyang nasabi like: “Lumayo ka nasa kanya kasi baka hindi magandang impluwensiya yan.” Siguro kasi tiwala naman si Mama na hindi ako magpapa-impluwensiya sa mga ganung bagay. I know she trusts me and I don’t want to obliterate her trust. Ang saya lang makipag-usap kay Mama regarding my studies. Ang tagal din namin mag-usap. Ang sarap talaga ng feeling na open ka sa parents mo sa lahat ng ginagawa mo.

Posted 7 months ago
4 notes   ~Reblog

Ang sakit lang talaga. Cramps again :3 Ang sweet ni Mama at ni Papa. Kanina binigyan ako ni Mama ng biscuit and softdrinks. Tapos ngayon paggising ko, may dala si Papa nung fave kong pink na jelly na may harina. Hanggang ngayon, di ko pa din alam tawag dun.

Countdown, defense na bukas!

Posted 7 months ago
5 notes   ~Reblog
  • MAMA to PAPA: Pamasahe lang natin bukas 'tong natira sa sahod mo.
  • MAMA: October 7 pala bukas. OC day.
  • PAPA: Ano?
  • MAMA: Yan si Yeye! OC day.
  •  Ang OC day ay monthsary namin ng friends ko. Nakakatuwa lang na alam ni Mama kung kelan ang OC day, tuwing 7. Cool mom. XD
Posted 7 months ago
8 notes   ~Reblog
  •  *Commercial ng Jollibee. ung may ligaw-ligaw thingy*
  • MAMA: Pag may nanligaw kay Yeye, tatanungin din namin.. "Ba't walang flowers?" "Ba't walang chocolate?"
  • AKO: Hahaha. Ano ba yan Ma! XD
  • MAMA: Joke lang. Hindi ako mahilig sa chocolates.
Posted 7 months ago
4 notes   ~Reblog

Amnesia. 

  • NATNAT: Masakit ngipin ko Ma.
  • MAMA: Pabunot mo na yan.
  • NATNAT: Hindi naman masakit yun Ma di ba? Kasi may amnesia?
  • MAMA: Anong may amnesia? Anesthesia yun!
  •  Ang benta sakin ng Amnesia. HAHA. =))
Posted 8 months ago
7 notes   ~Reblog

Christmas Songs. 

  •  *Playing Christmas songs sa kapitbahay*
  • MAMA: Narinig mo yun? Sabi ko kasi sayo ipag-burn mo na din ako ng music na pang-christmas.
  • AKO: Sabi ko sayo Ma, ilista mo yung ida-download ko. Tinatamad ako mag-isip ng Christmas songs.
  • MAMA: Haynako! Baka tapos na ang pasko bago kapa makapagdownload.
  • AKO: (kumanta) O Come All Ye Faithful. Joyful and triumphant. (stops) Ma, ang ganda ng boses ko. Haha. Pwede palang wag na mag-burn. Kakantahan na lang kita.
  • MAMA: Bahala ka diyan.
Posted 8 months ago
2 notes   ~Reblog
  • MAMA: Ye, matulog ka na.
  • AKO: Opo, waits.
  • MAMA: Halika ka na dito. Tabi tayo.
  • AKO: Yeee, sweet ni Mama.
  •  Hahaha. =))))
Posted 10 months ago
6 notes   ~Reblog

Mais. 

  •  Bumili ng mais si Mama..
  • MAMA: Eto para sa kapatid mo.
  •  Pagkaubos ko ng sakin..
  • AKO: Ma, ang sarap ng mais. Gusto ko pa.
  • MAMA: Wala na.
  •  Lumabas si Mama dala yung mais ng kapatid ko. Pagbalik..
  • MAMA: Oh ye, ayaw niya.
  • AKO: Buti naman ayaw niya. Hahaha :D
Posted 10 months ago
4 notes   ~Reblog

Trip ako ni Mama. 

  • Puro NEM ang tawag niya sakin ngayon. “Nem, maghugas ka na.” , “Nem, si Ate mo na daw.” Hahaha. Lahat na may Nem.
  • Habang naghuhugas ako ng plato, “Nem, ang haba na ng buhok mo.”

Lahat na pinansin Ma? Hahaha. Tsaka hindi ako tinatawag ni Mama na Nem. Dito sa bahay, si Yeye ako.

Posted 10 months ago
4 notes   ~Reblog