
Namiss e.
Pag nag-iisa ka, tahimik, ang daming tumatakbo sa isipan mo. Sana napapagod din sila para makapagpahinga din yung utak mo. De, seryoso. ganun talaga e. Para bang minu-minuto mo ng iisipin, hindi mapakali hanggang sa hindi mo sila nakikita o nakakausap.
Kanina, may usapan ang OC e. Hindi na naman kami kumpleto. Okay lang yun, alam ko may iba’t-iba kaming priorities. Pero nakakamiss kasi sila. Parang kulang yung araw na ‘to para sakin, kulang na nga kami, kulang pa sa oras, parang hindi sulit. Dating gawi, foodtrip pa din. Nagkakwentuhan naman pero parang bitin. Tapos sa May 30 pa kami magkikita ulet. Kasi nga pre-reg, malamang, lahat nasa school. Ganun ba kapag namimiss mo yung tao? Parang laging bitin ang oras.
Isang libong wala ng sukli.
Every semester naman e hindi hihigit sa isang libo ang tuition fee ko. 824php nung 1st year ako at habang tumatagal, bumaba pa ang tuition ko. Siguro ngayon, nasa 700+php na lang. Pag nagkakapera si Mama bago ang enrollment ko, binibigyan niya na agad ako ng isang libo. Para pagdating ng enrollment, wala na siyang iisipin. Lagi sinasabi sakin ni Mama: “Wala ng sukli yung isang libo ah.” Haha. Oo, wala ng sukli. Alam ni Mama na itatago ko yung natirang pera para kapag may gusto akong bilhin, hindi na ko hihingi sa kanya. Hihi. Pero kadalasan, naubos lang talaga sa pagkain yung pera ko. Pag dumating yung scholarship allowance ko, tsaka lang ako nakakabili ng matino. Hahaha. Salamat pala at naiproklama na ang mayor namin. Cayetano pa din. Ayun, may scholarship kami hanggang makagraduate. Yiz. This time, kailangan mas magtipid. Madaming pinag-iipunan e. Haha. De, binigyan na kasi ako ng isang libo para sa tuition. Hihi. For sure may sukli, gusto ko ng bagong notebook e. Tapos hindi ko naman susulatan. Hahaha. Jk.
A powerfuffqurl saved the day.
Powerpuffs save the day.. Fighting crime, tryin’ to save the world. Here they come just in time, the powerpuff girls! Powerpuff! ♬
PPG theme song. Luh, haha. Ayun nga, di ako makatulog ng ayos at nag-iiyak pa ko dahil sa dilim. Walangya, para kong bata. That was past 2am in the morning. May load ako sa smart, text lang ako ng text just to keep the phone’s light going on. Nagtext at nag-GM ako dun sa mga tingin kong gising pa ng mga ganung oras. Umiiyak pa din ako. Dahil ata sa dilim o sa dahilang walang nagreply. Huhu. Joke. May nagreply pala. Si Paaat. Natouch naman ako, nakitext pa sa txtmyt.com. Huhu. Magrereply na sana ako nun ng biglang nag-vibrate yung phone ko. Oh ayun, pang-ilang beses na ‘tong tumawag si Paaat na umiiyak ako. Nung una di ko talaga siya makausap ng ayos dahil nga umiiyak at nangangatal ang boses ko. Pinapakuha pa niya yung charger sa baba since sabi ko malolowbatt na ko. Eh ayoko nga, madilim nga di ba? Mamaya pagbaba ko ng kama, may humawak sa paa ko o kaya kumalabit sakin. Letse, nakakaparanoid yung dilim T_T Kung ano-ano sinasabi niya kagabi para kumalma ko pero ang hirap naman kasi kumalma, kung ano-ano nakikita ko. Yung pangalawang tawag, medyo di na ko umiiyak nun. Ang corny kase ni Paaat, kesyo idedemanda niya daw yung mga nakikita ko. At syempre, napuno na naman ako ng kacornyhan niya. Medyo na-less na yung takot ko nun. Tumatawa na nga ko lalo na nung iniisip ko kung ano yung itsura ni Paaat habang hinihipan at binubugahan niya ko sa telepono nila. Hahahaha. Lakas ng loob manghipan at mambuga, ang baho naman ng hininga. Toothbrush toothbrush din pag may time. Haha. Mas lalo akong tumawa nung nagising na yung tatay niya. E nagtalukbong, tapos nasusuffocate na daw siya. Sabi niya: “Nasusuffocate na nga ko dito, tawa ka pa ng tawa.” Tae, pabulong pa. Hahahahaha. Nababaliw na daw ako dahil tawa ako ng tawa. May knock knock pa siya yung kay Nancy Binay. Psh. Hehe. Yung last call, matutulog na daw siya pero ang dami pang sinabi. Matutulog na daw pero na-extend pa siguro ng mga 8mins. yung tawag. Haha. After ng last text ko kay Paaat, siguro mga 20minutes pa bago ko nakatulog. Huhu. Bangags na ko. Mag-4am na yun e.
Hey Paaat! Sabi ko nga, para ka talagang powerfuffqurl, ‘cause you saved the day! Salamat sa pagtawag. 49minutes at 5seconds din yon. Haha. Tenkyow sobvraaa! :”) Ikaw pa din ang pinakacorny sa lahat. :))
The darkness eats me.
I was busy driving a car that time until I decided to take some rest. Then there comes a man, he’s drunk. Well, I’m afraid so I ran inside our house. I was at the living room, sitting, taking a rest when the man starts bugging me at our window, telling me he wants to see me, he wants to talk to me, he wants me. I know this man, he’s one of the ‘tambay’ who does nothing but to drink alcohols. He’s still there in our window. I’m a little bit nervous then, so I decided to woke up my dad, telling him that I want to sleep and don’t forget to close our window. Tapos nagising ako.
Magulo ba? Kanina kasing madaling-araw, hindi ako makatulog. Almost 1am na siguro nung nakatulog ako, nakaidlip rather. At sa pag-idlip ko, napanaginipan ko yung nabasa mo sa taas. Dun sa story/dream, the time na sinabi ko kay Papa na matutulog na ako, dun naman ako nagising sa reality. Gets mo? Basta pagkatulog ko dun sa panaginip ko, tsaka naman ako nagising, yung totoong nagising. 1:35am na. Tapos eto talaga.. Yun, before ako makatulog, lights off. As in walang ilaw. Sabi ko pa sa isip ko, ang sarap dumilat kasi parang ang peace ng paligid. Tapos yun, nakaidlip nga ako. Almost 30minutes siguro ako nanaginip at nung nagising ako.. patay pa din yung ilaw. Ang masaklap lang paglingon ko sa kanan.. bumalik na naman yung childhood days ko. Na kapag patay lahat ng ilaw namin, kung ano-ano nakikita kong figures sa dilim. I’m trying na hindi matakot pero di ko kinaya, dumadami yung nakikita ko. Kaya kinuha ko na lang yung phone ko at nagtype nito. Focused lang ako sa phone ko para di ko mapansin yung mga nakikita ko sa paligid. I hate it. Hindi na ako ganito pero parang bumabalik yung takot ko sa dilim. Nakakainis. Nakakaiyak. At habang tinatype ko ‘to, bumukas yung ilaw. Nagising ata si Mama, parang nag-CR lang at uminom ng tubig tapos pinatay uli yung ilaw. So asahan mong bangag ako, puyat kase hindi ako makatulog. Dahil sa pagpikit ko, alam kong dilim na naman ang makikita ko.
11:10am nang simula akong pumila at sa kasamaang palad, ang daming nakapila sa presinto kung saan ako nabibilang. Isang classroom pero pila palang yun, isang mahabang pila papunta sa kabilang classroom. Mainit, nakalimutan ko magdala ng pamaypay. Tinitignan tignan ko na lang ang ibang parte ng eskwelahan. Naiisip ko.. ilang taon na kong hindi nakabalik dito. Ngayon na lang ulit. May mga painting na ang ibang dingding. Marami ng bagong building ang naitayo. Maraming nagbago, marami. Yung school na yun ang school kung saan ako nagtapos ng elementarya. Ang lalim, elementarya. Haha. De, init na init na ako. Buti umusad na yung pila. Maya-maya, dumating si Ate. Binigay niya sakin yung pamaypay niya. Wow, buti pa si Ate tapos na. Ako? Ayun, 2 hours akong nakapila. 2 hours and 7mins. to be exact. Habang nakapila ako sa pagkuha ng balota, nakita ko yung adviser ko nung Grade 5 at tinanong niya ko: “Ilang taon ka na ba?” Sabi ko: “18 po.” Sabi niya: “Weh? 15 ka lang e.” Haha. No Ma’am. I’m 10. Ang kulit, naalala niya pa ko. 1:18pm ako bumoto, nag-shade. Alam ko na naman kung sino ang mga iboboto ko kaya mabilis lang. 1:24pm nung pinasok ko na sa PCOS machine yung balota ko. Lumabas na yung congratulations chuchu dun. Pang-380 akong naghulog ng balota base dun sa count na nakita ko.
Wala naman akong naramdamang iba. Parang tulad lang din naman kapag naboto ako sa Student Council sa school o kaya sa organization namin. Ang pinagkaiba lang.. mas mahaba ang pila at mas seryoso kong inisip kung sino ang iboboto ko. Sana tama ako. Sana maraming magawang mabuti yung mga naiboto ko. First time voter. Hihi. Basta vinote ko si wisely. :)
Ilang corny po?
May 6 ng hapon. Ako lang sa bahay kasama ang bestfriend ko. Tambay siya dito sa bahay habang nagbabantay ako ng tindahan. That time, iniisip ko yung birthday message/post ko para kay Paaat. Sabi ko kasi kay Mima, hindi ko pa tapos yun. Kulang pa yung message tsaka di ko pa nae-edit. Iniisip ko kung anong oras ako makakapagbukas ng computer para tapusin yung post. Maya-maya, may bumili. Sabi nung lalaki: “Pabili nga Mighty.” Yung Mighty na sigarilyo. Alam niyo ba sinagot ko? Sabi ko: “Ilang corny po?” *croo croo* Tahimik. Bigla nagsalita yung bestfriend ko: “Ghirl, anong sabi mo? Mighty kaya ang binibili.” Tsaka ko lang narealize kung ano yung sinabi ko. Hahahaha. Ganun ba talaga ka-corny si Paaat? O sadyang ako lang yung corny? Haha. Puro kasi kacornyhan nasa utak. :p
Nung kinwento ko ‘to kay Mima, sabi niya, buti daw hindi ko natanong na: “Ilang birthday message po?” Nung kinwento ko naman kay Paaat, grabe. Hindi na matapos-tapos yung tawa niya. Kanina ko lang nakwento kay Paaat kasi kanina ko lang din uli naalala dahil may bumibili ng Mighty habang kausap ko siya. Haha.
Narealize ko, nakakatanga nga naman yung tanong ko: “Ilang corny po?” Huuuuu. Wala ko sa sarili nung time na yun.
Mother’s Day :)
Mother’s day. Hindi naman kami mapera para gumala at kumaen sa labas. Madalas cake or ice cream sa bahay. Okay na yun. Hindi kame kumain sa labas. Hahaha. Kumain lang sa loob. Tapos syempre, ang hindi mawawalang mga poster o kung ano man ‘tong mga idinidikit namin sa bahay na may nakalagay na Happy Mother’s Day! Simple celebration basta wag lang ma-BV si Mama sa araw niya. Hehe. Tapos pag gabi, may greeting session kame. Haha. Lahat kasi ng nagtext tsaka mga nagpabati ng happy mother’s day e binabasa namin kay Mama. May description pa nga like: “Ma, eto yung mga classmate ko ng college na bumati sayo.” Tapos i-state ko isa-isa yung names. Hanggang maubos ko lahat ng nag-greet. Naalala ko last year (2012), sabi ko: “Ma, binati ka din po ni A, yung crush ni Ate. Haha.” Kaya ginantihan ako ni Ate at sinabing: “Ma, binati ka din naman ni A, yung crush niya. Sinabi pang classmate. Crush niya yun.” Kaya ayun, alam ni Mama mga crush namin nun ni Ate. Hahahaha.
Anyway, sa mga tumblr friends na nagpagreet kay Mama, nareceive niya yung greetings niyo, nabasa ko na lahat sa kanya. Hindi niya man kayo marecognize lahat, basta thank you! :))
Ang katangahan.
Kasalukuyang sumasakit yung kanang binti ko. Katangahan ko kase. Double deck kasi ’tong kama namin, sa taas kami. Inakyat ko yung laptop at cellphone ko. Tapos may malapit na cabinet dito, yun yung inaapakan ko pag aakyat ako. Umuuga yun, e ayun tumumba. Yung mga nakapatong sa cabinet e nagbagsakan. Nabagsakan pa nga yung kapatid ko at nagising. Lumipat tuloy ng higaan. Buti si Mama, di nagising. Hahaha. Muntikan na ko malaglag, buti nakaka-kapit ako. Huuu. So yun, hindi naman nagasgas pero may ibang part sa binti ko na parang namuo na dugo, sakit pa din e. Ang shonga talaga. Naayos ko na yung nagkalat na gamit. Tigas ng mukha ko, yun pa din inapakan ko para umakyat. May hagdan naman. :3
After 132579 years, nagrent ako sa compshop. Haha. E walang net sa bahay. Himala hindi na puro ingay ng dota at mura ng kalalakihan ang naririnig ko. Naka-mute na ata yung music ng dota at puro love song ang naririnig ko. Great. Mas okay yun, at least nasasabayan ko pa yung mga tugtugan nila. Haha. Parang ang peace sa compshop kanina e. Nakakatuwa lang. :)
May 9, 11:59pm.
Nakatulog siguro ako ng mga 9pm at nagising ako ng mga 11pm dahilan na naman ng wake up call ko, ang gutom. Nung nagising ako, nakita ko si Ate. She’s texting. Then I asked: “Kumain ka na?” Then she answered: “Hindi pa.” Ayun, I planned to have a little chat with her pero mukhang napasarap yung kwentuhan namin, tawa pa ko ng tawa. Nung natahimik na, naalala kong kakain nga pala ko. Mga 11:50pm na din siguro nun. E sabi nga ni Ate hindi pa siya kumakain kaya inaya ko siya. Pero ayaw na daw niya kumain at inaantok na siya. Pumikit na siya at matutulog pero kinukulit ko siya. I’m bugging her so she can’t sleep. I want to eat with her. Maybe 9 minutes ng pilitan, sumuko ako. Ayaw niya na bumangon e. Yun, I decided to get up. Ininit ko yung ulam at yung kanin. Kumain na lang ako mag-isa. Parang ewan kasi ‘to si Ate ayaw pa kumain. E sa isang araw, aalis na naman siya. Kagagaling niya lang ng Quezon at Baguio tapos pupunta naman ng Batangas. Napaka e! Minsan ko na nga lang daldalin :3
Thousand Messages.
Kagabi, I mean kanina pala. Madaling-araw na kasi yun. Trip na trip ko talaga kalkalin yung inbox ko hanggang dulo,. Nung isang madaling-araw ko pa sinimulan magbackread dun e. Mas na-enjoy ko pa magbasa kanina kasi sinabayan ako ni Paaat at ni Mima, nagkalkal din sila sa inbox nila. Nagbabasahan pa nga kami ng mga messages ng kung sino-sino. Si Mima tahimik lang e. Si Paaat dami sinabi. Ina-answer privately ko daw siya noon. E wala lang naman daw yun noon pero ngayon daw big deal na. Porket artista, ganyan na. Haha. Ang saya kaya magbackread, nalungkot lang ako sa nalaman ko. Nawala na kasi bigla yung next button. May limit pala yung inbox. I’m not sure kung ilang messages pero siguro mga 3k tapos beyond dun, hindi ko na ma-view. Dapat ata mag-delete muna bago mag-appear uli yung iba. Ewan ko kung nagets niyo. Try niyo din siguro magbackread. Hehe. Pero yun, ang dami ko uli naprintscreen. Sayang naman. Nasa November 2012 pa nga lang ako nun e. Di ko tuloy mabasa yung mga luma pang messages //3
MedyoWalaSaSarili.
Maglalagay lang naman ako ng isang Mountain Dew na malaki sa ref e. Pero bago kasi ilagay sa ref, pinupunasan muna. So yun, hinawakan ko sa kaliwang kamay yung isang bote ng Mountain Dew tapos kukunin ko na nun yung towel pamunas, biglang boom! Bumagsak yung bote tapos di agad ako kumilos, parang tinitigan ko pa nga ng mga 2minutes. MedyoTanga. Ayun, naglampaso part2 tuloy ako. E narinig pala ni Ninang, nasa labas pala siya so tinulungan niya ko maglinis. Nung binuksan ko yung ilaw, tsaka ko lang nakitang may sugat ako sa paa. MedyoMasakit. Wala talaga ko sa sarili ngayong araw o dahil siguro hindi maganda ang pakiramdam ko mula kagabi.
Sayang yung Mountain Dew, 18php din na benta yon. Sayang yung tubig, tatlong beses ako nagbanlaw ng tatlong basahan. Sayang yung kuryente, nagbukas pa ko ng ilaw e. Sayang yung betadine, nilagay ko sa sugat ko. Sayang yung time mo, binasa mo ‘to. Huuuu.