
Ang July 5 at 6 ko :(
Title pa lang, obvious ba? Ramdam na ramdam ko ang pagod, puyat, stress, pressure, sakit ng katawan. Lahat na. Umaga ng July 5, habang papunta ng school, nagrereview pa din dahil may quiz sa Training and Development. Sabi ng higher years, mahirap daw kasi magpatest yung prof namin dun kaya review talaga kung review. 10:30am-01:30pm ang first class ko. Quiz then discussion. After that may 3 hours kaming vacant time. We had our lunch then nagpractice kami ng sayaw para sa performance namin ngayon. Bago mag-next class (4:30pm), nagreview uli kami para sa Administrative Office Management naman. Take note: We have the same professor to those subjects. After ng klase (7:30pm), nagpractice uli kami ng sayaw. 9:15pm na ako nakauwi ng bahay. Pagdating ko, ayos ng gamit, pahinga sandali, kain, hugas ng plato, bukas ng laptop, download ng music habang gumagawa ng assignment sa Humanities (Alam nang may performance sa Humanities, nagpa-assignment pa, parang ewan na prof putek! Isang week lang ang binigay. Buti kung yun lang ang inaatupag namin.) tapos bwiset na No man is an island yan, kailangan pa i-interpret. Gulong-gulo na ko. Alam ko na mangyayari sa mga susunod na araw.
- Bukas, may Income Taxation.
- Sa Linggo, please sana makapagpahinga.
- Monday, sana wala uli yung prof namin para matapos na namin yung mga dapat namin ayusin para sa Acquaintance Party. Ang saklap lang. Andami naming gawain tapos samin pa na-assign ang pag-o-organize ng AP na yan. Makapag-interview na din ng company. Gagawa din ako ng powerpoint.
- Tuesday, Acquaintance Party.
- Wednesday, aasikasuhin ko na yung report bukas.
- Thursday, report sa Training and Development.
Oh pagkatapos nito? Back to normal na yung mga classmates ko. Eh ako? May JPMAP Seminar pang kailangan ayusin. For sure, may mga meetings na naman akong a-attendan. May National Committe Workshop din akong pupuntahan sa Mandaluyong. Hindi ko alam kung magsisisi ako na nag-local committee ako sa JPMAP. Yes, there are big opportunities para sakin/samin pero grabe na yung pagod na nararamdaman ko.
Kanina, maaga ako pumasok. Pagkapasok ko, nagpractice agad kami ng sayaw. Tapos maya-maya, dumating na yung prof. namin. Thank God! Maayos yung performance ng group namin then next subject. Goodvibes naman ako simula ng umaga pero pagdating ng last subject, badtrip yung prof. namin. Ambigat ng kamay amputek! Sarap sapulin sa mukha. Kahit hindi ako yung ginawan niya ng masama, kaibigan ko yun eh!
Tired but I can still smile because the next comforter next to God is myself.