
Maraming bagay ang makakapagpasaya sayo kaya wag mong hayaan na isang tao lang ang magiging rason ng kalungkutan mo.Huwag mo idepende sa isang tao ang kasiyahan mo. Sa bilyong tao sa mundo, ang dami pwedeng magpasaya sayo. Yung dahilan ng kalungkutan mo, kung ano man ang ginawa niya, malulungkot ka, madidiscourage ka pero hindi ka mamatay. Huwag mo gawing sandigan ang iisang tao. Maging masaya ka kasi maraming dahilan para sumaya. Maging masaya ka dahil karapatan mo. Maging masaya ka kasi kaya mo.
It’s not the days that count, it’s the memories.
Hindi naman natin mapipigilan na lumipas ang minuto, ang oras, ang araw. Ang mahalaga ay naaalala mo ang mga pangyayari, mabuti man o hindi. Salamat sa mga litrato, diary, blogsites at kung ano-ano pa na tumutulong satin para makita ang nangyari sa nakaraan, para maramdaman kung gaano tayo nalungkot at sumaya sa nagdaang dekada. Pamilya, kamag-anak, kaibigan o minamahal. Sa paglipas ng panahon maaari silang mawala. Hindi mo alam kung saan at kailan. Hindi man sila bumalik, meron pa ring mga alaalang dahilan para di mo sila makalimutan. Sa dami ng mga bagay na pinagtawanan at iniyakan niyo, sa mga misunderstanding na naging dahilan ng tampuhan niyo, sa mga bagay na pinag-usapan niyo at sa tiwala’t pagmamahal na binigay niyo sa isa’t-isa, sigurado, ang dami mo ng maitatago. Sana sa bawat araw na lumilipas, wala kang pagkakataong pinalalagpas. Para lumipas man ang taon, may ma-aalaala ka naman para sa habang panahon.
Duwag ang mga problema. Kasi kung matapang sila, dapat isa-isa. Hindi sabay-sabay. Hindi naman tayo nawawalan ng problema e. Laging may problema. Problema sa pamilya, sa pera, sa pag-aaral, sa kaibigan, sa pag-ibig at marami pang iba. Minsan hindi mo alam kung paano mo sosolusyunan. hindi mo alam kung matatapos pa ba. Pero ano mang dumating na problema ang mahalaga kaya mong magpakatatag, kaya mong harapin at solusyunan ang mga yun. Duwag ang problema pero ikaw alam ko, matapang ka. Kaya mo yan.
Kahit nagsasabi ka ng totoo, pag bigla kang natawa iisipin parin nilang nagsisinungaling ka.
Bakit kaya ganun noh? Haha. Madalas kasi sa atin kapag tinatanong e kalokohan agad ang isinasagot at yun, nakasanayan na ng karamihan kaya minsan kapag sinabi mo na yung totoo, hirap ng paniwalaan. Sabagay, hindi kasi madaling magtiwala kahit na sa maliliit na bagay. Kumbaga, ayaw mo ng maloko sa pangalawa pang pagkakataon.
Pressure first before pleasure.
Alam mo ba yung feeling na natanggap mo yung isang bagay na hindi mo naman pinaghirapan? Bonus yun. Hindi lahat ng bagay basta basta mo na lang matatanggap. Yung hihiling ka tapos bigla na lang babagsak sa harap mo.
Di ba matutuwa ka kung may mataas kang grades? Makukuha mo yun kung mag-aaral ka ng mabuti. Di ba matutuwa ka kung mananalo ka sa isang contest? Mananalo ka kung ibibigay mo yung best mo. Di ba matutuwa ka kung makakatanggap ka ng regalo? Makakatanggap ka kung gumawa ka ng mabuti maliban kung kaarawan mo. At marami pang bagay.
Masarap makatanggap ng mga bagay na hindi mo inaasahan pero mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag pinaghihirapan.
When you stop asking, you stop learning.
Hindi lahat ng bagay alam mo. Hindi lahat ng bagay naiintindihan mo. Kaya nga may dictionary, kaya nga may libro, kaya nga may ibang tao para lahat nang hindi mo nalalaman, pwede mo itanong. Kahit gaano pa katalino ang isang tao, may mga bagay pa din yan na hindi alam. Nagtatanong tayo para malaman ang opinyon ng ibang tao, kung parehas ba kayo o hindi. Nagtatanong tayo kasi may gusto tayong alamin. Nagtatanong tayo kasi may gusto tayong maintindihan. At nagtatanong tayo dahil may gusto tayong matutunan.
Make a move.
There’s always that question: “Ate, bakit ang dami mong friends?”
Friends ko nga ba sila? Hihi. But that’s not that question. Well, I know a lot of people and I consider them as my friends. Madami sila? Oo. Pero sasabihin ko sa inyo, hindi ako magaling sa pakikipagkaibigan. Hindi ako marunong mag-approach kasi may times talaga na nahihiya ako. Wala akong lakas loob mag-Hi o mag-Hello sa kanila. Hindi ako masyadong matanong kapag bagong kakilala, ayokong isipin nilang feeling close ako. What I do is, I smile. That’s all I can do. Kapag may mga bagong kakilala, sometimes may kaba akong nararamdaman. Iniisip ko kasi kung ano iniisip nila sakin. Hindi ko kasi sila ganun kinakausap. Kaya siguro madalas mukhang mataray, masungit, maarte yung mga first impression sakin.
Lumalaki yung mundo natin, mas marami pa tayong nakikilala. Sometimes, we need to make a move. Hindi naman palagi na sila na lang ang mag-a-approach satin. Kung gusto mong magkaroon ng kaibigan, kumilos ka din. Hindi laging yung ibang tao ang mag-e-extend ng kamay nila para sayo.
Hindi mo makukuha o mararating ang isang bagay kung hindi ka kikilos.
Issue lagi ito.
Hindi naman ganun ka-big deal kung i-unfollow ka or what. Ano nga ba ang masaklap sa pag-a-unfollow?
- Yung pagkatapos na iprintscreen na chuchueklavu started following you e inunfollow ka.
- Yung finollow ka tapos hindi naman pala gusto yung mga posts mo kaya inunfollow ka na lang ulit.
- Yung inactive ka na kaya ka inunfollow. (Bawal maging inactive teh?!)
- Yung nag-TA pa na “Ate/Kuya, pafollowback naman po.” O kaya “Pacheck naman po ng blog ko.” Nung nafollow mo, inunfollow ka naman.
Hindi naman talaga dapat followers ang priority sa pagbablog. Mabubuhay ka kahit konti lang yung followers mo. At kung may mag-unfollow, malulungkot ka, maiinis ka pero hindi ka mamamatay.
Meron lang talagang FOLLOWBACK lang ang gusto. Hindi ka maaapektuhan sa sinabi ko kung hindi ka isa sa kanila.
Why negative sign?
Bakit madalas negative mag-isip ang tao? Kahit na negative ang nangyayari sayo at sa paligid mo, kung positive naman mag-isip ang tao, maganda pa din ang kalalabasan. Magiging magaan ang pakiramdam natin. Wala namang madali sa mga pagsubok na kinakaharap natin. Kaya nga, it’s our choice. Nasa atin naman kasi yun kung paano natin ihahandle ang bawat bagay. Set your moods positively para mas maging madali ang lahat. Paano ka mag-sa-succeed kung lagi kang nakasimangot at laging parang bigat na bigat sa dinadala? Try smiling. Hindi man masolusyunan ang problema mo, gumaan naman ang pakiramdam mo.
Second chances.
Yung nag-homily kanina, hindi siya pari. Magpapari pa lang pero ang ganda ng homily. It’s about consideration and second chances. Well, it’s really hard to give second chances dahil sabi nga kung ayaw ng isang tao makasakit, hindi niya gagawin ang isang bagay na hindi mo gusto. Pero paano kung hindi naman sinasadya? O baka nagkataon lang? Kaya siguro may second chances para maitama kung ano yung mga mali na nagawa noon. Si God nga, hindi lang second chance ang binigay sa atin e. Learn to give second chances.
Puro na lang hate.
If they don’t want the person or the blog of that person, pwedeng mag-unfollow para hindi mo na makita sa dash yung mga pinopost niya. If you want his/her blog but he/she posts something na hindi maganda, you can tell it to him/her right away but say it nicely. Kasi ang tao, nagkakaroon ng misunderstanding dahil sa buka ng bibig, sa tono ng pagsasalita, sa pagsabi ng foul words. Kung may think before you click, meron din namang think before you speak. Madalas kasi satin, bigla na lang nagsasalita ng gustong sabihin. Hindi man lang pinag-iisipan kung mas makakabuti ba yun o makasasama. Pag ang isang tao, sinabihan mo ng hindi maganda, hindi siya yung magmumukhang masama kundi ikaw. Tsaka sabi nga ng karamihan, duwag yung mga taong nagsesend ng hate message kasi nagtatago ka sa isang katauhan bilang anonymous. Ayaw nilang makilala sila dahil sa mga pinagsasabi nila na hindi maganda pero kung totoo naman yung sinasabi nila, why don’t they let other people know kung sino talaga sila? Kasi takot din silang makareceive ng hate message galing sa iba. But if they are true and brave, they’ll face other tumblr people at paninindigan yung mga sinabi nila.
People aren’t perfect and they can’t be. Kaysa i-hate natin sila, why don’t we talk and be friends with them. Malay mo hindi naman pala sila tulad ng inaakala mo. Inunahan mo lang kasi ng pagiging judgmental mo.
Kung hindi pa tayo kuntento sa pagmamahal ng Diyos, hindi tayo magiging kuntento sa pagmamahal ng kahit sino.
Kailangan na i-seek muna natin si God. Give Him our all and He will give us the one. Lahat naman nadadaan sa paghihintay as well as the love. True love waits.