
TAG,you're it. The rules are to state ten random facts about your self. Then send this to the ten nicest people on tumblr.
- Gustong-gusto kong tambayan ang bookstore.
- Magastos ako pagdating sa violet stuffs.
- Pag masyadong cute/maganda yung notebook, hindi ko ginagamit. Tinatago ko lang.
- Mahilig ako magsabi ng ‘Suuuus.’ (Nadiscover ko ‘to dahil kay Mima.)
- Di ako pikon.
- Fan ako ng magagaling mag-doodle.
- Masipag ako.. mag-PM.
- Mayaman ako.. sa kaibigan.
- Mahilig ako magprintscreen.
- Maganda ko. Hirap mag-isip. Haha.
Para maiba naman yung nakalagay dito.
Ewan ko kung bakit ang bilis humaba ng kuko ko kaya dati ang hilig ko talaga magpahaba ng kuko sa kamay. E ayaw ni Mama na mahaba yung kuko kasi nga, mahilig ako nun makipag-away sa kapatid ko. Lagi kong nakukurot at nakakalmot yun at siguradong nagsusugat. Gusto ni Mama laging gupitan yung kuko ko pero sabi ko, ako na lang mag-gugupit. Ginugupitan ko naman since mabilis naman humaba. Tapos yung pinaggupitan ko, itinatago ko. Hahaha. Inilalagay ko sa isang garapon ng cheez whiz. Pero nung narealize kong ang OA ko lang, itinapon ko na. Tsaka di na naman ako nagpapahaba ng kuko ngayon. Weird me.
Less softdrinks.
Hindi naman sa hindi na umiinom ng softdrinks, less nalang talaga. Sabi kasi mataas daw sa sugar yun tsaka feeling ko hindi din talaga maganda sa katawan na madalas uminom nun. Dati kasi napakahilig ko dun, yung tipong masawa lang ako sa tubig e magsosoftdrinks na ko, napakaarte. Haha. One time sumakit yung tiyan ko, super sakit. Feeling ko dahil yun sa nakatatlong bote ako ng maliit na softdrinks sa isang araw. Well, natuto naman na ako. Later part ng 2011 ko tinigilan yun. E simula last year, nakasanayan ko na din, laging juice at tubig lang. Ganun. Kaya pag umiinom ako minsan ng softdrinks, parang bago sa panlasa, hindi nakakasawa. Haha.
Kwentong nickname.
Pauso nila Tyn.
Nem galing sa NEMielle. Tapos. End. Period. Hahahaha. XD
Para naman kasing ewan yung pangalan ko, sa totoo, hindi ko pa rin alam kung paniniwalaan ko yung mama ko nung tinanong ko siya kung saan galing ang pangalan ko.
- Nomer
- EMma
- DanIEl
- EstreLLA
- Eulalia
Ayan sabi ng mama ko, galing daw sa pinagsama-samang pangalan ni Papa, Tita, Lolo, sa kanya, at sa lola. Kalokohan nitong nanay ko e noh? Sarap pektusan. Joke.
- Yeye. Yan tawag dito sakin sa bahay, pati ng kapitbahay. Close friends, ganun. Nung nag highschool ako, nalaman yan ng iba kong kaibigan kaya yun na din tawag nila sakin. Tapos yun mga Ilounge friends ko, ganun na din yung tawag, nalaman kasi nila kay Ate.
- Yeyong. Derived from Yeye. Pauso yan nung bata dito samin. Trip niya e. Kaya yun na din tawag sakin ng mga childhood friends ko.
- Yeng. Isa pang derived sa Yeye. Ate ko lang tumatawag sakin niyan.
- Nimyela. Tawag ni Mama kapag nagagalit siya.
- Nem. Dati walang tumatawag sakin nito. Eh pero pag nagpapakilala kasi ako at sinasabi kong Nemielle, ipanapaulit pa nila kaya natuto na ko. Nem na lang ipinapakilala ko. Tsaka yan na din tawag ng mga classmates ko ngayon sakin.
- Marami pa kasi akong nickname. May Nems, Nemnem, Miel, Elle, Trudis, Yel. Kanya-kanya silang tawag. Pero may mga nickname na isang tao lang ang tumatawag sakin kaya pag narinig o nabasa ko, alam kong ako yun.
I love long messages.
Gustong-gusto ko lang. Bakit ba? Hahaha. Gustong-gusto ko nagbabasa ng mahabang message para kasing ang sarap mabasa yung mga gusto niyang sabihin sayo, kung paano siya naasar sayo, kung gaano ka niya pinahahalagahan, kung gaano ka niya kamahal. Dun niya nasasabi yung mga bagay na hindi niya madalas masabi sayo.
Kahit kanino pa galing yun, kinikilig ako. Feeling ko, ang special ko. Tsaka feel mo yung effort ng isang tao para dun sa message na yun. Natutuwa talaga ako kapag nakakatanggap ako ng mahahabang message. At kadalasan, sa haba ng message, iiyak na ko. Hahaha.
Memorization.
Cellphone numbers. Isa na siguro yan sa mga hilig ko kabisaduhin. Lalo na nung naging P.R.O ako sa section namin. Madalas nagpapa-GM chuchu ganyan. Lagi ko ng nakikita mga cellphone numbers ng classmate ko kaya nakakabisado ko. Hindi naman lahat pero pag nakita ko yung number, familiar na kagad. Karamihan na tanda ko e yung close friends ko tsaka madalas makatext.
Dates. Isa pa yan lalo na kapag mahalaga talaga. Trip na trip ko din. Alam ko kung kelan yung unang ganyan, pangalawang ganto kahit na hindi ko buksan yung mga diary kong hindi naman kumpleto. Hahaha.
Marami pa akong hobby kabisaduhin. Lyrics ng kanta. Lines sa books o movies. Bible verse. Ewan pero lessons? Hindi. Joke. Pinag-aaralan kasi yun kaya yung napag-aralan, yun! Stock knowledge. I know I’m good at it. Talent ko yun. Joke. Pero skill ata yun, hindi talent :3 Shonga ko. Hahaha. Well, ginusto ko yan e. De, ginawa ko na din kasing hobby ang magmemorize.
Hello contacts.
Mematitle lang e noh? Hindi ko kasi alam kung anong meron sa Contacts. Lagi kong tintignan yung contacts ko. Tapos chinecheck ko kung buhay pa ba yung number nila or sadyang di lang talaga sila nagpaparamdam. Dati, yung mga hindi masyadong nagtetext sakin, mini-missed call ko, just to know if active pa ba yung number nila. Sumasabog na kasi yung contacts ko, napupuno na.
RF: Kapag nanghihiram ako ng phone, contacts madalas ko tignan.
Nung nag-college ako, ewan ko pero ang sipag ko mag-PM. Mapa-smart o mapa-TM. Sayang kasi, naka-save lang yung number nila sakin tapos ano? Itetext ko lang kapag may kailangan ako? Nooooo. Kaya ayun, every morning o every night basta may time ako magPM, ginagawa ko. Lalo na yung mga madalas magpadaan ng GM sakin. Hehe.
Aanhin pa ang cellphone kung hindi papaloadan? At aanhin ang load kung hindi ipangtetext? Di ba?
RF: 57 ang Tumblrista na piniPM ko.
RF.
Bago kayo matulog, nagtu-toothbrush kayo. Syempre, ganun din naman ako. Hahaha. Pero ako, I always eat something sweet before ako mag-toothbrush. Kahit nasa harap na ako ng lababo, bigla na lang akong babalik at kakain muna ng candy o chocolate tsaka ko magtu-toothbrush. Ang arte -.-
Hobby ko na pala magbasa noon pa.
Nagbabasa kasi si Ate ng Bible that time tapos may sinabi siya about sa sampung salot. Naalala ko yung paborito kong basahin noon, kahit paulit-ulit. Hinanap ko at ayun, nakita ko naman. Ang Aking Aklat ng mga Kwento sa Bibliya, yun yung title ng book. Libro pa ata ni Ate yun nung grade 1 siya, I guess. Edi halos 14 years na pala yung book. Nakakatuwang nandito pa yun sa bahay. Ang sarap basahin nun e, may pictures kasi. Haha.
Pag may pera.
Hindi ako mayabang pero pag may pera ako, mabilis talaga ako magbigay. Birthday mo o birthday ko o kahit walang okasyon, pag hiningian mo ako o nagpalibre ka sakin, hindi ako nagdadalawang-isip. Minsan kusang-loob akong nanlilibre, seryoso. Pag may pera din ako, magastos ako. Binibili ko yung mga gusto ko. Damit, bracelet, libre, at higit sa lahat, pagkain at kung anu-ano pa. Gayunpaman, alam ko pa din kung kailan dapat gumastos sa hindi. May mga bagay din akong pinag-iipunan.
Why it is so easy for me to forgive?
Bakit kahit gaano pa ako nasaktan, napakadali ko pa din magpatawad? Minsan na akong nasaktan, sinasadya man o hindi. Minsan na din akong naloko. Naloko nga ba o nagpaloko? Pero bakit ganito pa din ako? Kapag merong may kasalanan sakin, inaantay ko na mag-sorry siya. Yun lang, okay na. Kapag isa sa malapit kong kaibigan ang may kasalanan, bago pa yan mag-sorry, napatawad ko na yan. Kapag mahal ko yung tao, napatawad ko na yan kahit hindi na humingi ng tawad. Sometimes, I hate myself for being so forgiving. I’m the type of people na hindi kayang magtago at mag-ipon ng sama ng loob. Dahil pag ganun. hindi ko kinakaya. Yung inis ko, nauuwi lang lahat sa pag-iyak. Siguro kasi pagpapatawad lang yung makakapagpagaan ng loob ko. Hindi ko na nakalimutan yung nabasa ko sa isang libro: “Unforgiveness ruins relationships. Learning to extend the gift of forgiveness to someone who hurts you, whether they apologize or not, will benefit you for the rest of your life.”
RF: Mahilig ako magsulat kaya madami akong notebook.
Oo, mahilig ako magsulat. Hindi nga lang specific. Lol. Kung ano-ano isinusulat ko e. Basta may maisip ako, sinusulat ko. Hindi ko alam kung ilang notebook na meron ako.
- May ilang notebook ako na ginawa ko lang na scratch paper pero tinago ko pa din para maalala at makita ko yung mga kabaliwan ko noon.
- May dedication notebook din ako. Laman nun ang mga dedication ng ilang malapit ko na kaibigan nung 2nd year at 3rd year highschool ako.
- Notebook na puro psychological questions ang laman.
- Notebook na puro quotes, dalawa na yun ngayon.
- Notebook na puro texts galing sa mga kaibigan at mahahalagang tao.
- Blue notebook na diary about kay A at mga texts niya mula 2010.
- Notebook na diary ko nung 2011.
- Notebook na ang laman ay favorite lines na mga nakuha ko sa isang primetime.
- Notebook na sinusulatan ko kapag may naiisip ako i-blog.
- Notebook na bigay nung teacher ko nung 3rd year highschool pero di ko pa nagagamit.
- Last Christmas(2012), regalo ni Ate sakin, notebook din. Di ko pa gagamitin.
Kaya kapag notebook and pen ang regalo sakin, ang saya-saya ko na talaga!