RJ
Tumblr
Themes
  • AKO: Hi Derwin! Wala lang. Nakita lang kitang online. Hahaha! Ngayon lang nag-online e. Goodnight :P
  • DERWIN: hi yeye. nakita mo kong online. nakita kitang mag pm. nakakaalala ka... answeet. pakiss :* sweetdreams... goodnight :)
  •  Natouch lang ako sa message ni Derwin. Kahit na ang tagal kong hindi nakapag-FB, ganun pa din siya pati lahat ng naka-chat ko ngayon sa FB. Nakakamiss pala makipagchat dun. Nakakamiss din yung mga tao. Babawi talaga ako sa mga kaibigan ko dun. Nakakamiss sila sobra.
Posted 8 hours ago
6 notes   ~Reblog

Away namin ni Nemyella. 

mimayself:

May mga tanong talaga na medyo matagal nang nakatago sa aking isipan.

  • Kailan kaya kami mag-aaway ni Nem?
  • Ano kaya ang magiging rason ng una naming pag-aaway?
  • Gaano kaya katagal yung magiging away namin?
  • Magpapatamaan kaya kami sa dash?
  • Ano kaya ang mga sasabihin namin sa isa’t-isa?
  • May manghe-hate kaya sakin?
  • Sino kaya ang magsisimula ng away?
  • Sino kaya ang unang makikipagbati?
  • Ano kaya ang magiging reaction ni Patrcio?
  • Ano kaya ang gagawin ni Patricio?
  • Mag-aaway kaya kami?

Hindi naman sa gusto kong mag-away kami ah. Nacurious lang ako bigla kung paano kaya kami magreact kung sakaling mag-away kami. Napansin ko kasi na andami na pala naming posts para sa isa’t-isa o tungkol sa aming dalawa. Tsaka may sweet messages pa kaming nareceive galing sa ibang bloggers na nagsasabing ang sweet daw namin and stuffs. Kaya naisip ko lang kung dadating din kaya ang panahon na magkakalabuan kami? Dadating din kaya ang panahon na magpapatamaan kami ng mga hate posts? Dadating din kaya ang panahon na mawawala na ang kung ano man ang meron kami and we’ll just treat each other as a stranger?

Ha! Ha! Ha! Ewan. Iniisip ko palang, natatawa na ako. Para kasing imposible eh kasi lagi namang pareho ang nararamdaman at iniisip namin. So kunwari malungkot siya, malungkot din ako. Kung masaya siya, masaya rin ako. Kung may gusto siyang sabihin, yun din ang gusto kong sabihin. Kung may kinaiinisan siya, kinaiinisan ko rin. Kung may pinagseselosan siya, pinagseselosan ko rin. Kung naiiyak siya, naiiyak din ako. So pag nag-away kami, ano ang magiging conversation namin? Ganito ba?

NEM: Inis na inis na talaga ako sayo!

AKO: Ako rin kaya! Gaya gaya ka na naman eh.

NEM: Ako kaya ang nauna!

AKO: Ako kaya! Di ko lang sinabi! Ewan ko sayo! Anlaki ng eyebags mo!

NEM: Wow! Nahiya naman ang eyebags ko sa eyebags mo! Baka nakakalimutan mo, sabay nating pinagpuyatan ang mga ito!

AKO: Alam ko! Wag mo nang sabihin kasi alam ko! Ewan ko sayo! Wag ka ngang umiyak diyan!

NEM: Bakit ba ha? Umiiyak ka rin naman ah.

AKO: Paano ako hindi iiyak eh nasasaktan ako!

NEM: Ako rin naman ah. Ang sakit kaya na ganito tayo!

AKO: Gaya gaya ka na naman ng sinasabi eh. Alam ko na ngang masakit diba?

NEM: Baliw! Topak! Sayad!

AKO: Adik! Abnormal! Manggoloid!

NEM: Ang ganda ko parin.

AKO: Lalo naman ako!

NEM: Matik na iyan.

AKO: IKR?

HAHAHAHAHHA Enebey! Kahit sa pag-aaway, sa “maganda ako” parin humahantong ang usapan! Okay, parang ewan yung ganun diba? Hahahaha Habang tinatype ko yung convo kuno namin, natatawa ako! Hahaha Para ewan lang kasi eh. See? Kapag kami ni Nem ang nag-away, feeling ko imbis na magkagalitan kami, magdadrama pa kami. Hahaha Pero hindi ko rin naman hahayaang mag-away kami eh. Hindi ko kasi kaya. Hindi namin kaya. Hindi nga lang kami nakapag-skype ng ilang araw, kung magdrama akala mo isang taon na eh. Hahaha So kung dadating man ang panahon na mag-aaway kami ni Nem? Yung sobrang away talaga? Di ko alam ano gagawin ko.

  • Baka di ko na siya kausapin? Pwe! Di ko yun kaya.
  • Baka magdeact ako? Charot. Sayang yung iba kong posts!
  • Baka idelete o iprivate ko nalang yung posts ko tungkol sa kanya? Ayy, andami nun! Nakakatamad.
  • Baka i-unfollow ko siya? Eh? Para namang ang bitter ko nun.
  • Baka i-ignore ko siya? Ay, makakapagstalk parin siya sakin

Ayyy ewan! Di ko nga alam ano gagawin ko diba? Haaay! Anubayan, ginugulo ko lang utak ko! Pinapahirapan ko lang sarili ko. Hahahaha Kaya Nem, wag nalang tayong mag-away ha kasi baka mabaliw ako kakaisip kung paano ka iwasan. Hahahahahah 

SOBRA ANG TAWA KO DITO! BAKA MAGKULANG YUNG PAGE KAPAG TINYPE KO YUNG MGA HAHAHA KO! BUANG KA TALAGA MIMA! CAPSLOCK TO PARA INTENSSSSSSSSE. DI KO MATAPOS-TAPOS BASAHIN, DI DIN KASI MATAPOS-TAPOS YUNG TAWA KO. PANO KO KAKALMA NITO? KAIYAK PUTEK, UMIYAK AKO KAKATAWA SERYOSO. BAKIT GANYAN KA MIM? LAKAS NG TAMA MO! SAKIT SA PANGA TUMAWA. :D

Posted 10 hours ago
21 notes   ~Reblog
Sabi nila, kapag mahal mo ang tao, palayain mo. Don’t be selfish. Kung ayaw niya na, ayaw niya na. Huwag mong ipilit ang sarili mo, ikaw lang din ang masasaktan. Nung andyan pa siya sa tabi mo, masaya ka di ba? Pero siya, masaya pa ba siya? Lahat tayo humihiling na gusto lang natin ng totoong kasiyahan. At kung maging desisyon niya man ay ang maghiwalay kayo, pagbigyan mo. Huwag mo siyang ikulong sa piling mo. Ang tunay na kasiyahan ay yung matanggap mo na sa ibang tao sasaya yung taong mahal mo. Andyan yung mga gabing di ka makatulog, iniisip mo siya, nalulungkot ka. Sabi kasi ng puso mo, siya lang. Siya lang talaga. Pero as they say, time heals wound. Panahon lang ang kailangan mo. Matatapos din ang mga gabing napupuyat ka sa kakaisip sa kanya. Mawawala din yung mga luha sa mata mo. Isang umaga, ngingiti ka nalang at masasabi mong tanggap mo na ang lahat. Sa pagtanggap mo na yun, dun mo mas naipakita at naiparamdam na mahal mo yung tao dahil kahit mahirap para sa iyo, pinalaya mo siya para sa kasiyahang gusto mong maibigay sa kanya.

Sabi nila, kapag mahal mo ang tao, palayain mo. Don’t be selfish. Kung ayaw niya na, ayaw niya na. Huwag mong ipilit ang sarili mo, ikaw lang din ang masasaktan. Nung andyan pa siya sa tabi mo, masaya ka di ba? Pero siya, masaya pa ba siya? Lahat tayo humihiling na gusto lang natin ng totoong kasiyahan. At kung maging desisyon niya man ay ang maghiwalay kayo, pagbigyan mo. Huwag mo siyang ikulong sa piling mo. Ang tunay na kasiyahan ay yung matanggap mo na sa ibang tao sasaya yung taong mahal mo. Andyan yung mga gabing di ka makatulog, iniisip mo siya, nalulungkot ka. Sabi kasi ng puso mo, siya lang. Siya lang talaga. Pero as they say, time heals wound. Panahon lang ang kailangan mo. Matatapos din ang mga gabing napupuyat ka sa kakaisip sa kanya. Mawawala din yung mga luha sa mata mo. Isang umaga, ngingiti ka nalang at masasabi mong tanggap mo na ang lahat. Sa pagtanggap mo na yun, dun mo mas naipakita at naiparamdam na mahal mo yung tao dahil kahit mahirap para sa iyo, pinalaya mo siya para sa kasiyahang gusto mong maibigay sa kanya.

Posted 14 hours ago
32 notes   ~Reblog

Kanina, may naglalarong mga bata dito sa labas. Nakakatuwa na ganung mga bagay pa din yung nilalaro nila. Hindi tulad ng karamihan na tambay na sa mga computer shops. Ang swerte ko, nakaranas akong maglaro sa labas, maging bata diyan sa kalye ng panandalian. Hindi tulad ng iba kong kakilala na hindi alam yung mga ilang laro na pinagkatuwaan namin noon. Ang sarap kaya maglaro sa labas ng bahay kahit tirik ang araw.

  • Alam niyo ba yung Good morning Mickey Mouse? Eto yung larong feeling mo artista ka. Yung todo kayo acting ng isang gawain habang hinuhulaan nung isang taong nakaupo yung ginagawa niyo.
  • Nalaro niyo ba yung Pepsi Cola kung tawagin? Pinaka-pabebeng laro. Yung may tao sa dulo na mag-i-instruct kung anong gagawin niyo. Pag sinabing Coca-cola, lalakad kayo. Pag sinabing Mirinda,  kekembot kayo. Pag sinabing Pepsi, titigil kayo at huli ang gagalaw hanggang sa makarating kayo sa dulo. Ang corny pala niyan, ngayon ko lang narealize. Syempre, na-enjoy ko yan nung bata ako.
  • Alam niyo yung chinese garter? Larong pambabae. Yun yung laro na may garter at kailangan mong magtatalon. May mga nalalaman pang rules na “Dead mother, dead all.” O kaya “No lahat-lahat.” Matindi pa kapag “No labas ngipin.” Kaya madalas kaming nade-dead, lagi kasi akong nakangiti. Haha.
  • Alam niyo yung patintero? Yung may nagtatanong ng: “Enter?” at may sasagot ng Yes or No. Kung saan kailangan mong linlangin ang mga tao sa paligid mo para umabot ka sa dulo. At kung saan pinangarap kong humaba ang kamay ko para maabot ko yung mga kalaban ko.
  • E alam niyo yung piko? Kailangan mo lang naman galingan sa pagtalon. Kung saan maaari kang magkabahay ng walang bayad. Libre ba, galingan mo lang sa paglalaro. Yung kung saan saan pa kami mamumulot ng batong babaragin para lang may magandang maipamato.
  • Nung natuto kong maglakad, malamang ginusto ko ding tumakbo. Lalo na kapag black 123 na yung laro. Kung saan hahanap kayo ng mga lugar na pwedeng maging base niyo. Yung mga panahong matagal masira ang tsinelas mo kasi nakapaa kayong naghahabulan.
  • Nakapaglaro din ako ng Doctor Quack Quack. Kung saan masarap balian ng buto yung mga taong kinaiinisan mo. At yung part na paghihiwalayain mo kapag dalawa na lang yung magkahawak na kamay.
  • Meron syempre mga larong mata-mataya. Yung mga maghahabulan at hahawakan yung isa para siya naman ang manghahabol. Samahan pa ng mga kantang “Kandila, kandila, tunaw ka na ba?” o kaya “Langit, lupa, impyerno.. saksak puso tulo ang dugo.”

At sa panahon ng tag-ulan, di kamakapaglaro sa labas ng bahay. Buti na lang may indoor games. Whuutt? May pag-indoor pang nalalaman. Malakas ang ulan. Bawal lumabas ng bahay sabi ni Inay.

  • Mga panahong naglalaro pa ako ng barbie. Meron kaming kapitbahay, yung nanay niya nasa abroad at kapag umuuwi, binibigyan ako ng barbie. Ang hilig ko nun sa mga dress-ups kaya nung natuto akong mag-gantsilyo nung grade 6 ako, ipinagtahi pa namin ng damit yung mga barbie ko.
  • Sinong babae ang hindi naglaro ng paper dolls? Kung saan yung stand ng paper doll e ginagawa naming unan. Malay ko bang stand pala yon. Nung malaki na ko tsaka ko nalaman. Kaya pala medyo may punit sa paa nung character, para pala sa stand. Mga paper dolls na kinaadikan ko dahil may kasama yung candy e.
  • For sure, alam mo yung bahay-bahayan. Yung mga kumot na isinipit namin sa kung saan para maging bubong. Yung mga karton na ginawa naming mga dingding. Yung mga foam na ginawa naming unan at gamit sa loob. Uso magkalat ng gamit. Sa storya namin, mayaman kami. May sasakyan pa nga e, at yung palanggana ang manibela. Hahahaha.
  • Sa loob ng bahay-bahayan, merong lutu-lutuan. May mga maliliit na kawali, kaldero, plato, platito, mga kutsara’t tinidor. Tapos mga pagkaing maliliiit din. Kapag di nakuntento, e nangunguha pa ng dahon ng ipil-ipil at yun ang lulutuin.

Lalaki din paminsan. Magulo man sila kalaro, masaya pa din naman.

  • Naglaro na ako ng teks. Yung mga kwadradong papel na may mga design. Frustrated talaga ako nun mapaikot yung papel sa hangin kapag itinitira na. Yung pogs, bilog na version ng teks. Hahaha.
  • Naglaro na ako ng dyolen. Alam niyo na yon, yung mga bilog-bilog. Meron pang time na hinuhukay yung sa lupa tapos andun yung mga dyolen. Nakalimutan ko kung anong tawag dun.

Marami pa akong hindi nabanggit. Ang sarap po maging bata. Hihi. Isa talaga sa mga itetreasure mo sa buhay. =))

Posted 17 hours ago
21 notes   ~Reblog

mimayself:

HAHAHAHAHHA K. Kaninag madaling-araw yan. Wala kasi akong magawa tapos tinitingnan ko yung instagram nina Nem at Pat nang may biglang pumasok saking isipan na gawin sa Paint. Yan na nga yun. So perstaym kong ginawa yan kaya  intindihin niyo na at pasensya na kung walang mukha. Kunwari anon sila na hindi kalbo. Hahaha Pero yung signature ko talaga e. Effort na magcursive gamit touchpad. Hahahahahahahha Ge. XD

Hindi nga ako naiyak Mima! HAHAHAHAHAHAHAHA. Natatawa ko. Bakit ka ba ganyan?! HAHAHAHA. Chura ko -.-” Loveyou Mim :*

Posted 17 hours ago
37 notes   ~Reblog

Maraming bagay ang makakapagpasaya sayo kaya wag mong hayaan na isang tao lang ang magiging rason ng kalungkutan mo.Huwag mo idepende sa isang tao ang kasiyahan mo. Sa bilyong tao sa mundo, ang dami pwedeng magpasaya sayo. Yung dahilan ng kalungkutan mo, kung ano man ang ginawa niya, malulungkot ka, madidiscourage ka pero hindi ka mamatay. Huwag mo gawing sandigan ang iisang tao. Maging masaya ka kasi maraming dahilan para sumaya. Maging masaya ka dahil karapatan mo. Maging masaya ka kasi kaya mo.

Posted 1 day ago
10 notes   ~Reblog
Nagulat ako sa message ni Chyn. Matagal na kami nagkakausap nito e. Ngayon na lang uli kami nagka-usap. Kaloka lang yung message niya. Ngayon ko lang nalaman na taga-Taguig din pala ‘tong babaeng ‘to at taga-Bagong tanyag lang daw. Huhu. Wow, isang trike lang ang layo namin. Pangalawang babae ‘to na nakilala ko sa Tumblr na malapit lang ang lugar. Si Kristine, yung una e. Ilang kembot lang papunta sa kanila o. Huhu. Tara na Chyn! WalterMart tayo bukas! Hahaha. =))

Nagulat ako sa message ni Chyn. Matagal na kami nagkakausap nito e. Ngayon na lang uli kami nagka-usap. Kaloka lang yung message niya. Ngayon ko lang nalaman na taga-Taguig din pala ‘tong babaeng ‘to at taga-Bagong tanyag lang daw. Huhu. Wow, isang trike lang ang layo namin. Pangalawang babae ‘to na nakilala ko sa Tumblr na malapit lang ang lugar. Si Kristine, yung una e. Ilang kembot lang papunta sa kanila o. Huhu. Tara na Chyn! WalterMart tayo bukas! Hahaha. =))

Posted 1 day ago
7 notes   ~Reblog

Namiss e. 

Pag nag-iisa ka, tahimik, ang daming tumatakbo sa isipan mo. Sana napapagod din sila para makapagpahinga din yung utak mo. De, seryoso. ganun talaga e. Para bang minu-minuto mo ng iisipin, hindi mapakali hanggang sa hindi mo sila nakikita o nakakausap.

Kanina, may usapan ang OC e. Hindi na naman kami kumpleto. Okay lang yun, alam ko may iba’t-iba kaming priorities. Pero nakakamiss kasi sila. Parang kulang yung araw na ‘to para sakin, kulang na nga kami, kulang pa sa oras, parang hindi sulit. Dating gawi, foodtrip pa din. Nagkakwentuhan naman pero parang bitin. Tapos sa May 30 pa kami magkikita ulet. Kasi nga pre-reg, malamang, lahat nasa school. Ganun ba kapag namimiss mo yung tao? Parang laging bitin ang oras.

Posted 1 day ago
8 notes   ~Reblog

Isang libong wala ng sukli. 

Every semester naman e hindi hihigit sa isang libo ang tuition fee ko. 824php nung 1st year ako at habang tumatagal, bumaba pa ang tuition ko. Siguro ngayon, nasa 700+php na lang. Pag nagkakapera si Mama bago ang enrollment ko, binibigyan niya na agad ako ng isang libo. Para pagdating ng enrollment, wala na siyang iisipin. Lagi sinasabi sakin ni Mama: “Wala ng sukli yung isang libo ah.” Haha. Oo, wala ng sukli. Alam ni Mama na itatago ko yung natirang pera para kapag may gusto akong bilhin, hindi na ko hihingi sa kanya. Hihi. Pero kadalasan, naubos lang talaga sa pagkain yung pera ko. Pag dumating yung scholarship allowance ko, tsaka lang ako nakakabili ng matino. Hahaha. Salamat pala at naiproklama na ang mayor namin. Cayetano pa din. Ayun, may scholarship kami hanggang makagraduate. Yiz. This time, kailangan mas magtipid. Madaming pinag-iipunan e. Haha. De, binigyan na kasi ako ng isang libo para sa tuition. Hihi. For sure may sukli, gusto ko ng bagong notebook e. Tapos hindi ko naman susulatan. Hahaha. Jk.

Posted 1 day ago
17 notes   ~Reblog

Lahat tayo binigyan ng karapatan magsalita, masabi ang mga gusto nating sabihin. Pero sana, nag-iisip muna tayo, kung tama ba o mali, kung makakabuti o hindi, kung makakasakit ba o hindi, kung may patutunguhan ba o wala. Minsan kasi salita tayo ng salita, nakakasakit na pala. Lalo na yung mga nagsasalita ng hindi maganda sa kapwa kahit wala namang ginagawa sa kanila. Sabihin mo kung ano yang mga gusto mong sabihin pero sana pinag-isipan mo ng mabuti at sana sa maayos na paraan ng pananalita.

Posted 2 days ago
15 notes   ~Reblog

Fuck your weight and height, 

Don’t listen to what people have to tell you about how you look, friends, family, etc,. There’s no rule of being beautiful. You can be any weight & any height, it doesn’t matter. What matters is what YOU think about your body. You’re only going to feel beautiful once you accept the way you look and be PROUD of it. No one can tell you how to become beautiful, because you already are. Stop trying to please everyone, when you need to please YOURSELF.

Posted 2 days ago
904 notes   ~Reblog

Puro WeChat. Di nga ko nagpe-peysbuk, how can WeChat? Whuut! Hahahaha. De, puro kasi WeChat.

Posted 2 days ago
10 notes   ~Reblog